the blogger
Adeth [View Profile]

links
hime
in love
future of phil feature
computer monster one
computer monster two
the real big brother
same line of thinking
whitehaired chef
sugarsmile
ultimate playgurl
kiddie-looking kolehiyala
madam president
mangki
poety bear

archives
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
November 2006
December 2006
February 2007
March 2007
April 2007
June 2007


details
alteregoism © 2005 Adeth
Best viewed in 1024 x 768, IE 6+ (less funky in FF). CSS + Tables.

Ayun oh...
Monday, June 18, 2007 ~ 1:57 PM

Noong isang Linggo, yung lalaking katabi ko habang nagsisimba, umiiyak nang in denial. Nagpupunas siya ng luha habang kinakanta ang Agnus Dei. Ayaw ipahalatang umiiyak siya. Naramdaman ko kung gaano siya kataimtim manalangin noong mga oras na iyon. Kaya ang idinasal ko na lang, sana ganoon din ako.

Kilala ko ang lalaking iyon. Kilala rin siya ng mga taong madalas sa simbahan. Sa katunayan, maski 'yung pari na nagmimisa kilala siya. Alam ng mga taong masiyahin ang lalaki, kaya siguro in denial siya sa pag-iyak. Syempre, alam ko ring masiyahin siya at palabiro. Napansin ko nga ang laki ng ipinayat niya at hindi na gaanong nagbibiro. Pero itinatago. Denial King.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita kong umiyak ang tatay ko.

Naalala ko tuloy noong ang unang job interview ko. Hindi ko inaasahan ang unang tanong na ipinukol niya sa akin. Describe your father. Ma-pride. (oo jama sa kanya ko namana yun hehe) Ma-pride siya pero wala namang trabaho. Noong bata ako, ikinaiinis ko na wala siyang trabaho dahil alam kong kung meron, hindi sana ipinangutang ang ipinampaaral ko at mabibili sana namin lahat ng gusto naming magkakapatid. Ngayong may isip na ako, laking pasasalamat ko at walang trabaho ang tatay ko. Dahil siya ang nagpalaki sa akin at nagturo ng lahat ng dapat kong malaman.

At nasabi ko na ba na tatlong taon pa lang ako ay nagbabasa na ako ng diretso at nakakasulat na ako dahil tinuruan ako ng tatay ko? At tatlong taong gulang din ako nang sumabak sa paaralan at naging second honor noong taon ding iyon?

Yes, people of the Philippines, I am my father's biggest fan. Para sa akin, siya ang pinakamatuwid na tao sa mundo. Sa tuwing magdedesisyon ako, lagi kong iniisip, kung sakaling ang tatay ko ang nasa katayuan ko, ano kaya ang gagawin niya. At iyon ang gagabay sa akin.

Pakiramdam ko nga noong maggawad ang Diyos ng mga ama, paborito kaming magkakapatid. Walang bisyo, loyal, mabait, nakikinig sa amin at hindi iniisip na binabastos namin siya kapag nagpapahayag kami ng opinyon, maka-Diyos, atbp. Everyone may claim that his is the world's greatest/best father. I am not contesting that. Kami na lang siguro ang world's luckiest daughters. Hahaha!

Happy Fathers Day, Erpat. I love you.

leave a comment