TKO wooohooo
Monday, January 23, 2006 ~ 12:31 AM
Pacquiao won. Napakahusay. I feel proud na kababayan ko ang nagwagi at siya ang unang tumalo kay Morales via TKO. Anlupet. Anlupet maging Pinoy.
kung kaya labis kong kinaiinisan ang pinsan kong nakapunta lang sa ibang bansa e kung makapagmayabang na na kesyo sa Amerika raw ay ganito at ganito... bukambibig ay Tate. hindi ko lang masabing "bakit hindi ka bumalik sa Tate?" dahil alam ko namang hindi siya makakabalik dahil wala siyang trabaho roon. haha!
napakalupit ko naman samantalang siya ang nagpaaral sa akin ngayong sem na ito. kaso hindi mo rin kasi masisikil kasi nga ako pa naman yung tipong makabayan samantalang siya ay feeling Kano na.
now going back to the Pacquiao-Morales bout, nakakalungkot din kasi baka mawalan na ng career si Morales lalo na't tatlong beses na siyang natatalo sa huling apat na laban niya.
at nakakaasar dahil delayed ang coverage ng ABS-CBN gayong ipinagkalat nila na live ang kanila. another very fat milking cow for the network. aside from PBB.
---
happy anniversary to marion's parents. wedding annivs remind me of my parent's wedding story. nakakakilig. hehe. according to my mom, ang sinabi lang ng tatay ko sa kanya after nilang mamanhikan ay ayusin niya ang isusuot niya. tapos isang umaga raw ay dumating na si Ama at sinabing magbihis na siya at pakakasal na sila on that same day. how astig.
---
and belated happy birthday to my 'utol', bro.