Friends
Tuesday, May 30, 2006 ~ 2:23 PM
"Ayoko na sa kanya. Ayaw ko na syang maging kaibigan kasi masama ugali niya."
===
Woerd. Alam ko ganun ako pero bakit nga ba ganun? I mean, di ba kung kaibigan mo ang isang tao, tanggap mo anuman siya. E kung puro kabaitan lang kayong dalawa, hindi ba kayo nagpaplastikan? Hindi ka ba sakim para iwanan ang isang tao bilang kaibigan dahil lang may masama siyang ugali? Are you perfect?
===
Sa loob ng isang gabi, natapos kong basahin ang Ang Munting Prinsipe. Maganda. Marami kang matutunan.
===
"Gagawin kitang... aking ministro."
"Ministro?"
"Ministro ng Katarungan."
"Ngunit sino ang hahatulan ko?"
"Ang iyong sarili. Ito ang pinakamahirap - ang hatulan ang iyong sarili."
(Excerpts)