My Future Lawyer
Monday, May 08, 2006 ~ 9:15 PM
Wahaha!
I'm back. From (or to?) Uste. With Marion. She enrolled in the prestigious UST Faculty of Civil Law. Wala na raw urungan pero tinotoyo sya during enrolment. LMAO.
===
For the second time (yeah. second pa lang naman), nagwalk-in ulit ako. At sa Ti-Makat naman. Pero sa isang kumpanya lang naman - ABC Sports, located sa dulo as in dulo ng Amorsolo. And I didn't expect na sobrang layo pala nun sa Makati Med e nilakad ko lang yun. So kamusta naman yun... >_>
And I've realized sa mga pagsakay-sakay ko ng jeep na marami palang baguhan sa Makati. Kasi naman, sa tuwing sumasakay sila ng jeep, ang sinasabi sa mga driver, "Manong pababa naman sa blah at blah.." O di ba naman. Halos lahat yata ay naghahanap ng trabaho. Ewan ko ba kung bakit gusto talaga nila sa Makati.
At least hindi ako naligaw. XD
Naglakad nga lang ng mahaba. T_T
===
Nanalo ang aking kabarangay na si Gerald Santos sa Pinoy Pop Superstar! Woohoo!! Taga-riyan lang yun, siguro mga tatlong bahay lang ang layo mula rito sa Internetan. Asteeeeg!!! XD